View Full Version: Coast Guard .... in HOT SEAT!

Philippines Defense Forces Forum > Philippine Coast Guard > Coast Guard .... in HOT SEAT!


Title: Coast Guard .... in HOT SEAT!


flipzi - September 20, 2007 02:25 PM (GMT)
Sandamukal na anomalya sa Philippine Coast Guard
BANAT NI BATUIGAS Ni Bening Batuigas
Thursday, September 20, 2007

NABABALOT sa napakalaking intriga ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ipagkalat ng mga Senior at Junior Officer ng naturang ahensya ang white letter na nagbubulgar sa mga maanomalyang transak­siyon matapos na mabalitaan nilang gumawa ng hak­bang si Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Leandro Mendoza na mai-extend pa si Admiral Damian Carlos sa puwesto bilang PCG Commandant.

Ayon sa sulat na kanilang ipinagkalat sa ahensya ng Radio, TV at diyaryo, nagsasaad ng mga hukos pukos na transaksyon na kinabibilangan ng:

(1) Ghost delivery ng chemical dispersants worth P120 million na umanoy budget upang linisin ang baybaying dagat ng Guimaras matapos na lumubog ang isang oil tanker noong Agusto 2006. He-he-he! Sa halip na ang naturang halaga ay gagastusin sa pag-angkat ng mga kemikal upang tulu-yang lusawin ang namuong langis sa naturang dalam­pasigan ay sa bulsa umano ng ilang opisyal napunta, at tila asin na nalusaw sa dagat ang naturang halaga. He-He-He! Get nyo mga suki!

(2) Ghost repair lighthouses worth P150 million na wala naming dapat pang kumpunihin sa mga ito, he-he-he! Sino pa kayang mga opisyal maliban kay Adm. Carlos ang nagsabwatan sa naturang halaga kung totoo itong ibinulgar nila? Yan ang aking aalamin mga suki!

(3) Ghost repair of two PCG vessels worth P10 million na kasalukuyan umano, ang PG-64 at AE-89 na mga barko ay tinutubuan na ng talaba dahil sa hindi naman ito ginagawa sa Cavite Bouy Base. Ay ano ba yan mga suki! Kawawa naman ang sambayanan kung patuloy ang hukos-pukos ng grupo nina Carlos kung totoo nga itong nakasaad sa white letter.

(4) Ghost uniforms worth P40 million na sa totoo lang umano ay ilang opisyal lamang ang nagkaroon ng naturang uniporme at ang mga civilian employees ay di man lamang nasilayan o naisuot ang naturang damit, he-he-he! Kawawa na naman ang di kapanalig ni Carlos kung ganon nga ang nangyari.

(5) Sub-standard building worth P11-million, na ayon sa mga opisyal ay pawang gawa lamang sa nga coco lumber at plywood ang itinayong barracks sa Taguig Antenna Farm Station. Malinaw na niloloko lamang nila ang sambayang Pilipino di ba mga suki?

(6) Converting fuel to cash worth millions of pesos. Paano nga naman makatutugon sa ano mang insedente ang mga barko ng PCG kung walang lamang krudo ang mga tangke ng kanilang mga sasakyan, he-he-he! Kaya nga siguro kapansin-pansin na pupugak-pugak ang mga barko ng PCG sa dahilang sakal sa krudo o gasoline ang mga ito.

Sa ngayon ay nais ng grupo na himukin ang Senado na gumawa ng aksyon upang mapalaya si Ltsg. Antonio Trillanes upang makagawa ng batas at hakbang upang malabanan ang mga corrupt na opisyal sa hanay ng Sandatahang Lakas ng bansa.

Abangan mga suki! Ang magiging kasagutan nina DOTC Sec. Leandro Mendoza at Admiral Damian Carlos upang mabigyang linaw at kasagutan ang reklamong ipinakakalat ng mga opisyal na dismayado sa pama­malakad sa PCG.

Bukas ang pahinang ito sa inyong magiging kasa- gutan upang mailantad ang katotohanan. Panahon na upang hubaran ng maskara ang mga opisyal na sangkot sa maanomalyang transaksyon sa PCG.

http://philstar.com/index.php?Opinyon&p=50...aid=20070919125

Ayan na naman kayo.... :nono:

Fmr TOPP Awardee 82'PNP - September 20, 2007 11:03 PM (GMT)
These corruptions are as balatant and flagrant as the examples by those at the top of the regime.

Signs of abatement is nowhere near but instead going further far beyond. :headbang:




Hosted for free by InvisionFree