View Full Version: Jun Lozada: Mga Tanong na Ayaw nila Marinig

Philippines Defense Forces Forum > Philippine Politics and Current Events > Jun Lozada: Mga Tanong na Ayaw nila Marinig


Title: Jun Lozada: Mga Tanong na Ayaw nila Marinig


City Hunter - September 13, 2009 02:18 AM (GMT)
Mga peeps, repost ko lang an article I found sa facebook:

Exclusive from Jun Lozada: Mga tanong na ayaw nilang marinig ang sagot

Monday, September 7, 2009 at 1:15pm
I got this from Jun Lozada, these are the things he still wanted to ask but was not given the chance to do so during the culmination of the NBN-ZTE Hearing at the Senate last week which was chaired by Senator Richard Gordon.

Ang Pagtatapos ng NBN-ZTE Hearing ng Senado
Mga tanong na ayaw nilang marinig ang sagot
by: Rodolfo Noel “Jun” Lozada, Jr. 06 Sept. 09

Noong Septyembre 1, 2009, Martes, natapos din ang imbestigasyon ng Senado tungkol dito sa NBN-ZTE scandal na kinasangkutan ko at ng maraming tao pa sa labas at loob ng gobyernong Arroyo. Ito ay pagkatapos na ilabas ng Ombudsman noong Agosto 28, 2009 ang resolusyon na absuwelto pa rin ang mag asawang GMA at FG sa anumang kasalanan sa NBN-ZTE scandal.

Marami pa sana akong gusting itanong kay Sen. Gordon, ang bagong chairman ng Blue Ribbon Committee, ngunit ako ay hindi na niya pinansin at binigyan ng pagkakataong itanong sa Senado kaya dito ko na lang itatanong sa mga taong bayan.

1. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit yung office of the Executive Secretary ang nag-utos kay Atienza na kailangan kong umalis ?

2. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit kumilos ang PSG (Presidential Security Group) at sina Atutubo na dukutin ako sa airport?

3. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit ako tatawagan ni Atienza upang sabihan na maghintay lang ako at kakausapin lang niya si MAM at si ES?

4. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit hanggang ngayon sa records ng Bureau of Immigration ako ay WALA pa sa Pilipinas?

5. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit dalawang araw na ako binigay sa pulis ay sinasabi pa rin ang dating Chief PNP na si Razon na hindi nya alam kung nasaan ako?

6. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit pupunta sa akin si Mike Defensor at sasabihing nasasaktan na si MAM?

7. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit ako padadalhan ni Manny Gaite ng kalahating milyong piso?

8. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit ako pinag-fax ng sulat ko sa opisina ni Medy Poblador?

9. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit kailangan pa ni Neri ng executive privilege na pinagtibay pa ng korte suprema?

10. Kung hindi dahil kay GMA at FG bakit ang mga kaso laban sa akin ay patong patong samantalang yung iisang kaso sinampa ko sa kanila ay nasa preliminary investigation pa rin mahigit isang taon na nakaraan?

Marami pa sana akong gusting itanong ngunit ako ay hindi na pinayagan pa. Kayo pong mga kababayan ko, ano ang maisasagot ninyo sa mga tanong na ito?

Fmr TOPP Awardee 82'PNP - September 13, 2009 09:08 PM (GMT)
These guys up there are the No.1 criminal offenders against the people of the Republic of the Philippines. Let us just hope and pray that after the dawn break of this coming polls they are wiped out and face prosecution for the offenses against the people as soon as they step down into their private lives.




Hosted for free by InvisionFree